Mga senyales na hindi ka mahal ng lalaki

Mga senyales na hindi ka mahal ng lalaki

Ang mga bisyong ito ay subrang nakakasakit hindi lamang sa katawan kundi pati sa iyong damdamin at isipan. Maaaring tinanggap mo na ito noon, ngunit paulit-ulit pa rin siyang bumabalik—tulad ng labis na pag-inom ng alak na hindi na niya makontrol. Sa ganitong sitwasyon, nagiging sanhi ito ng away, pananakit, at maging pagtataksil.

May iba’t ibang antas ng bisyo sa isang relasyon, ngunit kapag umabot ito sa puntong nagdudulot na ng pisikal at emosyonal na pananakit, dapat na itong pigilan at kontrolin. Ang bisyo ng ilan ay maaaring ituring na simpleng pagpapakita ng yabang, ngunit sa loob ng relasyon, nagiging mabigat itong pasanin at mahirap kontrolin kung walang disiplina.

Kung paulit-ulit mo na itong ipinapaalala ngunit hindi pa rin siya nagbabago, malinaw na hindi siya marunong makinig at walang pagpapahalaga sa kapayapaan ng inyong relasyon. Isa itong malaking red flag na hindi dapat balewalain.

Ang pagtataksil ay isa sa pinakakilalang suliranin sa isang relasyon. Mahirap itong patunayan at ilagay sa tamang konteksto, ngunit madaling gawin at sa huli, maraming nasasaktan.

Para sa mga lalaki, dapat tandaan na ang pagtataksil ay bihirang maitago nang matagal. Kapag may mali, kadalasang nagbabago ang kilos at nakasanayang gawain sa relasyon mga senyales na hindi madaling ipagsawalang-bahala.

Ang mga babae naman ay kadalasang may matalas na intu­isyon. Ang pakiramdam na ito ay nagsisilbing gabay upang mabuo ang katotohanan, lalo na kung may napapansing pagbabago.

Hindi kailanman normal ang pagtataksil. Ito ay tanda ng kahinaan, kawalan ng respeto, at kakulangan ng matibay na pundasyon sa relasyon. Kung sa simula pa lamang ay pinatawad na ito ngunit naging paulit-ulit na gawain, nagiging bisyo na ito isang ugaling mahirap nang baguhin dahil bahagi na ito ng kanyang pagkatao.

Kung naging gawain na niya ang ganitong pag-uugali, mas mabuting lumayo ka na—dahil hindi ka niya tunay na mahal.
Maaaring ginamit ka lamang niya dahil may kailangan siya sa’yo. Maaari ka ring naging panakip-butas, o kaya naman ay hindi pa siya nakaka-move on sa kanyang nakaraang relasyon kaya ginawa ka niyang libangan o “experiment” kung magwo-work ba kayo.

Hindi ito sukatan ng katatagan ng babae o ng kahit anong kasarian. Sa halip, isa itong malinaw na anyo ng pang-aabuso at kawalan ng tunay na pag-ibig.

Ibig sabihin nito, minahal ka niya sa mababaw na antas parang opsyon ka lang. Kapag may nakukuha siya sa’yo, saka ka niya pinapahalagahan; ngunit kapag wala, tila nawawala rin ang kanyang pagmamahal.

May mga lalaki na madaling mahulog at mabilis magtiwala, lalo na kapag nakakakita ng lambing at iwas sa gulo. Ngunit hindi ito sapat na batayan ng isang tunay at matatag na relasyon. Ang pag-ibig ay hindi dapat nakabatay sa pansariling pakinabang o panandaliang emosyon.

Isa itong malinaw na red flag—lalo na kung napapansin mong ikaw na lang ang laging nagbibigay at nagsasakripisyo. Tandaan, ang relasyon ay pinagtutulungan ng dalawang tao. Hindi ito dapat binubuhat ng iisa lamang.

Laging tandaan, ang relasyon ay hindi iisang tao lang ang bumubuhat.
Maaaring inaasahan na ang lalaki ang magiging provider, ngunit kung napapansin mong ikaw na lang ang laging nagbibigay at nagsasakripisyo, may mali na sa takbo ng inyong relasyon.

Sa madaling salita, kung ang ipinapakita niyang pag-ibig ay nakadepende lamang sa kung ano ang nakukuha niya sa’yo, iyon ay huwad. Hindi iyon tunay na pagmamahal.

Kung ganito ang sitwasyon, mag-isip ka. Magdasal ka. Patatagin mo ang iyong isipan at damdamin. Hindi normal ang relasyong nakabatay sa pakinabang lamang.

Oo, natural ang magbigay sa taong mahal mo ngunit dapat may hangganan at may respeto sa sarili. Ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa pera o sa kung sino ang mas nagbibigay. Maaari itong maging praktikal, pero higit sa lahat, ang tunay na pagmamahal ay tapat walang kondisyon, walang “kung,” at walang “pero.”

3. Ikaw na lang ang gumagawa ng paraan para maayos ang relasyon.

“Kung ikaw na lang ang patuloy na lumalaban at gumagawa ng paraan para maayos ang relasyon, panahon na para tanungin kung karapat-dapat pa ba itong ipaglaban.”

4. Mahilig magpapansin at tumingin sa iba.


Sa madaling salita, kulang o wala siyang tunay na pagpapahalaga sa’yo. Kung ganito ang kanyang kilos, mas mabuting lumayo ka na upang hindi ka na masaktan pa. Ang mga senyales na nakikita at nararamdaman mo ay nagpapakitang hindi siya kuntento sa’yo at patuloy siyang naghahanap ng atensyon sa iba.

Mapapansin ito sa simpleng pag-like at pag-heart sa iba, pakikipag-chat sa iba’t ibang social media accounts, at higit sa lahat, sa pagpapanggap na “single” kapag wala ka. Minsan pa, ang kanyang mga kaibigan ang nagiging kasangkapan upang bigyan siya ng palusot at pagkakataong makipag-ugnayan sa iba.

Kung ganito ang sitwasyon, malinaw na ito ay isang red flag isang anyo ng kawalan ng respeto at katapatan sa relasyon.

5.Malambing lang siya kapag kayo lang dalawa.

Sa ganitong sitwasyon, makikita mo na maaaring hindi ka niya tunay na minamahal dahil may itinatago siya baka wala pa siyang tunay na damdamin para sa’yo. Sa publiko, hindi niya ipinapakita ang lambing; kadalasan, barkada pa niya ang kasama at hindi ka napapansin.

Maaaring may iba siyang nililigawan, at baka hindi mo pa alam na may relasyon na pala siya. Kahit sa social media, bihira siyang mag-react o magpakita ng interes sa’yo.

Ang ganitong kilos ay malinaw na senyales ng kawalan ng katapatan at pagmamahal sa relasyon.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *