Hinayaan kitang dati na mag-usap kayo ng ex mo.
Hinayaan kitang magloko at maghanap ng iba.
Hinayaan kitang lokohin ako,
kasi sabi mo magbabago ka—na magbabago ka!
Pumayag akong saktan ang aking puso at katawan, kahit alam kong wala akong laban sa’yo.
Pumayag ako para matutunan mo kung gaano kita kamahal at, kung paano kita iningatan.
Pumayag ako sa simula pa lang, kahit alam kong masasaktan ako at hindi mo ako minahal.
Pumayag ako dahil nauto mo ako sa mga bagay na kahinaan ko. Hanggang saan pa kita papayagan?
Sinubukan ko munang ayusin nang maraming beses.
Tiniis ko muna ang lahat ng sakit bago ko sinabi at inamin sa sarili ko
na ayaw ko na—hayaan na natin kung ano ang pasya ng panahon.
Naramdaman ko na wala kang pagbabago sa akin,
Naramdaman ko ring may iba ka na—ilang beses kitang nahuli.
Ngunit hanggang saan pa ba aabot ang ganitong sakit?
Sa lahat ng ito, marami akong natutunan sa sarili,
Na huwag kalimutan ang sariling halaga at pagmamahal.
Sinubukan kong ayusin, ngunit mas pinili mo ang iba kaysa sa akin,
Gustuhin ko mang lumaban, ikaw na rin ang tuluyang bumitaw sa atin.
Nakita ko ang sarili kong unti-unting nawawala at nagiging kawawa,
Kaya’t hahayaan ko na ang panahon ang magsulat ng bagong tadhana,
Sa panibagong pamantayan ng buhay, sarili ko na ang aking uunahin.
Ayusin na natin ang ating mga sarili at iwasan ang gulo,
Huwag na nating saktan ang isa’t isa—lahat ay may hangganan din.
Wala na ang “ikaw at ako,” ngunit piliin nating magbigay-galang,
Iwan na sa kahapon ang sakit at mga alaala ng nakaraan,
Sa pagkawala mo, natagpuan ko ang banayad at panibagong buhay.
APPLE MAJAIT
s18tmw