LEYTE LEYTE: Isyu sa PUP‑Leyte, Komunidad Humihingi ng Hustisya, LGU Iginigiit ang Legalidad ng Proyekto

LEYTE, LEYTE — Isang mainit na usapin ang sumiklab sa social media matapos kumalat ang isang Facebook post mula sa account na San Isidro Labrador Chapel, na sinasabing konektado sa isang organisasyong panrelihiyon. Ang naturang pahayag ay nagmula sa panig na direktang naapektuhan at sa mga pinaniniwalaang may kaugnayan sa umiinit na hidwaan sa pulitika. Agad nitong kinuwestiyon ang diumano’y epekto ng mga hakbang ng pamahalaang munisipal ng Leyte, Leyte, sa mga pamilyang naapektuhan ng demolisyon kaugnay ng itinatayong Polytechnic University of the Philippines PUP–Leyte Campus.

Engr. Jed Granados / Photo File Leyte, Leyte FB , enhanced Picture
Engr. Jed Granados / Photo File Leyte, Leyte FB , enhanced Picture

Ang naturang post, na ibinahagi sa iba’t ibang Facebook pages, ay naglalaman ng matitinding pahayag sa wikang Waray, na nagsisilbing panawagan ng mga sektor na umano’y nawalan ng tahanan, kabuhayan, at pag-asa. Dahil sa pagpapalawak ng daanan at sa pagkumpleto ng inaasahang tulay ng Elizabeth, inaasahang higit na mapapadali ang pagdaan ng mga estudyante at mapalalago ang mga negosyo sa lugar.


SA IBANG BALITA:


Amo ba ini an irra gintatawag han mga kabalayan, pagpaantos han mga pamilya, ngan pagwara han paglaum-diri ini pagbag-o. Ini pagdaot. ini kawaray hustisya. 

Amo ba ini an saad nga kauswagan? Amo ba ini an liderato-o, mau hustisya. may respeto. May kasingkasing. Kun waray hini-diri ini pagbag-o ini pag-abuso.

“Dahil kung ito na iyon – ang pagkasira ng mga tahanan, ang pagdurusa ng mga pamilya, at ang pagkawala ng pag-asa – kung gayon hindi ito pagbabago. Ito ay pagkasira. Ito ay kawalan ng katarungan.”
“Ito na ba ang pangako ng kaunlaran?”
“Ito na ba ang pamumuno na may puso” “Ang tunay na pagbabago ay nagdudulot ng katarungan. Nagdudulot ito ng respeto. Nagdudulot ito ng puso. Kung wala ang mga ito, hindi ito pagbabago. Ito ay pang-aabuso.”

Sa post, binigyang-diin na ang tunay na pagbabago ay may kasamang hustisya, respeto, at malasakit, at kung wala ang mga ito, anila, ang pagbabago ay nagiging pang-aabuso. Kaakibat ng mensahe ang hashtag #PagbagOhaLeyte, na mabilis na umani ng simpatiya, reaksiyon, at diskusyon sa social media.

Panig ng Pamahalaang Bayan ng Leyte, leyte: “Batas ang Pinaiiral, Edukasyon ang Layunin

Bilang tugon, naglabas ng mahabang paliwanag ang Municipal Government ng Leyte, sa pamamagitan ng Facebook post ni Asefa Granados-Caña, anak ni Mayor Engr. Jed C. Granados, na ibinahagi umano sa personal kapasidad sa account ng isang konsehal.

Sa kaniyang pahayag, iginiit ni Cranados-Caña na ang isyu ay kailangang tingnan sa liwanag ng batas at katotohanan, hindi sa pulitika o emosyon.

Ayon sa kaniya, ang lupang tinatayuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)–Leyte Campus ay donadong lupa para sa edukasyon, at malinaw umanong exempted sa agrarian reform alinsunod sa Section 10 ng Comprehensive Agrarian Reform Law, dahil ito ay isang school site at campus.

https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid028ehiBUtEVpGxVG7ddQwC2GnkzUzycbCcagG598PDp2WXyBp32ZvVypHt4WqxVsUzl&id=61564169158799

“This means the property cannot be legally claimed or occupied for private use,” ayon sa pahayag.

Ipinaliwanag din na ang PUP–Leyte Campus ay bunga ng lehislasyon, na pinangunahan ng dating kinatawan ng ikatlong distrito ng Leyte na si Vicente ‘Ching’ Veloso III, na siyang nag-akda at nagsulong ng House Bill No. 03265 noong 2019.

Layunin umano ng kampus na pagsilbihan ang mga estudyante mula sa ikalawa, ikatlo, at ikaapat na distrito ng Leyte, pati na rin ang Biliran Province.

Binanggit pa sa pahayag na ang PUP ay kinikilalang isa sa mga nangungunang pampublikong unibersidad sa bansa, dahil sa kalidad, abot-kayang edukasyon, at mataas na employability ng mga nagtapos dito. Taun-taon, may nakalaang pondo mula sa pamahalaan upang palawakin ang kampus at mga pasilidad.

Isa sa mga sentrong tanong sa sagot ng municipyo ay:

“Para kan kanay ini kaupayan an PUP? Para ba ha pipira nga nag-okupa, o para ha libo nga mga estudyante nga magbebenepisyo?”

Ayon sa datos na binanggit, humigit-kumulang 1,000 mag-aaral ang nagtapos sa Senior High School kada taon, at ang PUP ay nakikitang malaking tulong sa kinabukasan ng kabataan at sa kaunlaran ng komunidad.

Sinipi rin ang Konstitusyon ng Pilipinas, partikular ang Article XIV, Section 1, na nagsasaad ng tungkulin ng estado na itaguyod ang karapatan sa dekalidad na edukasyon, at ang Article II, Section 1, na nagsasabing ang soberanya ay nagmumula sa sambayanan—hindi umano sa mga ilegal na paninirahan.

Mariing binigyang-diin sa pahayag ang panawagang huwag umanong gawing political issue ang usapin, laluna sa nalalapit na mga halalan sa hinaharap.

“Ayaw ipolitika an serbisyo publiko ngan ayaw ini niyo gamita for your political gain this 2028,” ayon sa post.

Idinagdag pa na ang lupa, proyekto, at pondo ay hindi pag-aari ng LGU, kundi ng PUP bilang isang government entity, at ang lahat ng ito ay nagmumula sa buwis ng mamamayan.

Ang patuloy na diskusyong ito ay nagpapakita ng malalim na hati ng pananaw: sa isang banda, ang hinaing ng mga pamilyang sinasabing nawalan ng tahanan at dignidad; at sa kabilang banda, ang paninindigan ng pamahalaan na ang pinaiiral ay batas at pangmatagalang kapakanan ng nakararami, lalo na ng kabataan.

Sa gitna ng palitan ng pahayag, nananatiling hamon ang tanong: paano maisusulong ang kaunlaran nang walang naiiwan, at paano mapag-uugnay ang kaunlarang pisikal at katarungang panlipunan?

Ang isyung ito sa Leyte, Leyte ay patunay na ang tunay na pagbabago ay hindi lamang nasusukat sa mga gusali at proyekto, kundi sa kung paanong tinutugunan ang tinig ng tao, lalo na ang mga pinakamahina at pinakaapektado.


Ayon sa mga comments:

Joh Lapore This issue should not be viewed through politics but through the lens of law, education, and the welfare of future generations. The land donated for the PUP-Leyte Campus is intended to serve thousands of students and the wider community, not a select few. The law is clear that school sites are exempt from private claims, and the Constitution itself upholds the right of every Filipino to quality education. If we truly want progress in our municipality, we must support projects that create opportunities, strengthen our economy, and invest in our youth. The development of PUP is not only legal—it is necessary for the greater good.

Etnad Hael yes po…we heard it loud and clear but before the demolition begun…hope they already had a plan for the settlers…

Lorna Saladaga Aniel Waray man unta iapil ang politika, Kay ang taga PUP man Ang tag iya hto dda nga area, so Wray labot ang politika hito

Rosezellsola Garcelaso – Maupai ngani kay may PUP na dda,,duol la dri na rason nga mahal pag pa skwela,,ngan dri nira nakikita an maging positive outcome kun operational na ito dda..lawakan din minsan ang isipan😔

D Rock Dee – WARAY ADA GINTATAWAG NGA ILLEGAL SETTLERS HA MGA PROPYUDAD HAN GOYERNO.. AN GOBYERNO PARA HA TINU-OD NGA KAUSWAGAN HAN MGA TAWO.. BAGO UNTA ITO GIN DONAR NG MGA KATUNAAN, KAY ADA KA UNTA COMPREHENSIBA NGAN DETALYADO NGA PLANO AN LGU PARA HAN MGA NAUKOY HITO DDA.. TAS MISMO HA CLUP HAN MUNISIPYO NAKA DEKLARA UNTA ITO NG PAGGAGAMITAN HAN TUNA..

Ton Ton Q. Tonacao – Dapat nga matuwa at may collage na ang Leyte, Leyte, dina masyado madayo hin harayo mga student malapit lang… Kulang sa pag iisip ang iba kundi ang pagpakadaot hit mga namamahala ha Munisipyo natin, kulang gud hin kautok it nag post gusto la gud makasira hi tawo na mga Tunay na nagserbisyo ha Munisipyo🙏🙏🙏🙏❤❤🙏

Gemma Bustillo Guantero Brezo – Kuyawa na naapektuhan siguro an panhuna huna han giyera han ibang bansa….klaro mn nga an PUP wry labot han politika

Ethan Arcabal – Bisan waray labot ang LGU gin damay pagud hini nga nag post, pati pa ang mayor gin damay liwat..

Ano ini para yana election kapitan 2026 ngan mayor 2028???

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *