Magandang balita para sa mga kabataan na nagsilbi sa Sangguniang Kabataan (SK)! Ngayon, maaari na silang makakuha ng civil service eligibility na magbubukas ng pinto para sa kanila sa mga trabaho sa gobyerno.
MANILA – Ayon sa Civil Service Commission (CSC) sa pamamagitan ng Resolution No. 2500752 na inilabas noong Hulyo 24, 2025, ang mga elected o appointed na SK Officials (SKOs) na nasa mabuting katayuan at nakumpleto ang buong tatlong taong termino (o katumbas nito) ay karapat-dapat na sa Sangguniang Kabataan Official Eligibility (SKOE).
Ano ba ‘tong SKOE? Ito’y isang uri ng eligibility na pwede gamitin para sa first level positions sa career service ng gobyerno — mga entry-level jobs tulad ng clerk, administrative aide, at iba pa — maliban sa mga posisyon na nangangailangan ng board exam o iba pang espesyal na eligibility.
ALAMIN ANG IBANG BALITA:
- Sangguniang Kabataan (SK) may civil service eligibility, No Exam
- Pagsusumamo ni Mary Jane Veloso Mula sa Kulungan: “Bigyan N’yo Po Ako ng Kalayaan”
- Sotto Posibleng Paglipat ng Ilang Minority Senators sa Majority Bloc
- Narco-Mayor Kerwin Espinosa, sumuko sa NBI-7
- SC: Impeachment laban kay VP Sara Duterte, ibinasura dahil sa “one-year rule” at paglabag sa due process
Bakit ganito? Ayon kay CSC Chairperson Atty. Marilyn B. Yap, “Kinikilala nito ang mahalagang papel ng kabataan sa pagbuo ng bansa at pinahahalagahan ang kanilang ambag sa public service.” Sa madaling salita, parang “salamat” ng gobyerno sa mga batang lider na naglingkod nang tapat sa SK — at binibigyan sila ng pagkakataong magpatuloy sa paglilingkod sa pamamagitan ng regular na trabaho sa gobyerno.
Sino ang pwede?
- Mga SK officials (elected o appointed) na nanungkulan noong nagkabisa ang Republic Act No. 11768 (o ang batas na nagpalakas sa SK) noong Hunyo 1, 2022.
- Kasama rito ang mga nagsilbi mula 2018 hanggang 2022, basta nakumpleto nila ang buong termino.
- Mga hinirang na SK members ng Katipunan ng Kabataan (KK), pati na rin ang mga sekretarya at treasurer na itinalaga ng SK chairman (na may aprubal ng majority ng SK members).
Pero may mga limitasyon:
- Ang SK Chairpersons ay sakop ng Barangay Official Eligibility (BOE), hindi SKOE.
- Hindi rin pwede kung may kamag-anak (hanggang second degree) na incumbent elected official (regional, provincial, city, municipal, o barangay) sa parehong lugar kung saan sila nahalal o hinirang.
Paano mag-apply? Nagsimula na ang pagtanggap ng aplikasyon mula Oktubre 5, 2025 (effective date ng resolution). Pwede mag-file sa:
- CSC Regional Office na may jurisdiction sa barangay kung saan sila nagsilbi, o
- Sa pinakamalapit na CSC Regional o Field Office kung saan sila nakatira o nagtatrabaho ngayon (sila ang magfo-forward ng aplikasyon).
Kapag naaprubahan, ibibigay ang SKOE certificate. Pero babala ng CSC: Pwede nilang bawiin kung malaman nilang hindi kwalipikado ang aplikante o may paglabag sa batas.
Ito’y malaking hakbang para sa kabataan! Nagpapasalamat ang CSC sa inyong serbisyo, at ngayon, mas madali nang makapasok sa gobyerno para magpatuloy ng pagtulong sa bayan. Kung qualified ka, huwag palampasin ang pagkakataon na ‘to!
For more information, the full text of CSC Resolution No. 2500752 may be viewed and downloaded from the CSC website at https://csc.gov.ph/downloads/must-read-resolutions/category/541-csc-resolution-no-2500725.
Parang unfair naman sa mga mag take na ilang beses umabot na ng 10 times pero hindi parin. Pero mga SK nayan na wala namang ginagawa at mga small crocodile na yan pero may SC pa sila.. Diba ganyan sa Pilipinas.
Sangguniang Kabataan (SK) may civil service eligibility, No Exam?