MARISA STORY: Abogadang naging kabit

“Hindi ko namalayan na ako pala’y naging kabit. Isa akong abogado at doktor, subalit nasangkot ako sa isang relasyong hindi nararapat sa isang lalaking may karelasyon.”

Ibinabahagi ko ang aking kuwento bilang isang malaking aral at gabay sa mga kabataan at sa mga mambabasa. Itago ninyo ako sa pangalang Marisa, 35 taong gulang, mula sa lalawigan ng Bukidnon. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Ang aking ina ay isang guro, at ang aking ama naman ay isang doktor. Sa side ng aking ama, halos lahat ng kaniyang mga kapatid ay pawang mga abogado na naninirahan sa Makati City

Lumaki kaming magkakapatid na may mahigpit na paggabay ng aming mga magulang, lalo na sa pag-aaral, kaya’t hindi naging madali ang aking pinagdaanan bilang panganay. Hindi ko maitatanggi na naging mahusay akong estudyante—nagtapos ako ng high school bilang valedictorian. Sa kabila nito, hindi ko naranasang umibig sa mga lalaki kahit paghanga sa kanila; masasabi kong naging payak at tila kulang sa kulay ang aking kabataan bilang isang babae. Hindi naman ako pangit o maarte, ngunit napansin kong tila mailap ang mga lalaki sa akin—marahil ay nahihiya sila.

Madalas akong manatili sa loob ng bahay nag-aaral kasama ang aking mga kapatid, napapaligiran ng aming mga aso at mga yaya. Bihira ko ring makasama ang aking mga magulang dahil abala sila sa kani-kanilang mga gawain. Ang aking ina ang madalas kong nakikita, at paminsan-minsan ay dinadalaw ko siya sa paaralan kung saan siya nagtuturo. Noong mga panahong iyon, hindi pa uso ang Messenger o anumang uri ng social media, kaya’t ganoon na lamang ang aking pag-iisa tila nakakulong sa mga alituntunin ng aming mga magulang.

Nang ako’y mag-aral ng medisina sa University of Santo Tomas sa Maynila, may mga nanligaw sa akin, ngunit hindi ko sila binigyang-pansin. Lagi kong isinasaisip na ako ang panganay at may responsibilidad sa kinabukasan ng aming pamilya, bukod pa sa pagiging mahigpit ng aking mga magulang.

Naipasa ko ang pagiging doktor, at doon ko naisip na maaari rin palang maging masaya kahit single—o “no boyfriend since birth.” Kahit may trabaho na ako, Nanatiling mahigpit ang aking mga magulang—at kung minsan, napapaisip ako kung may mali ba?. Nakikita ko ang aking mga kapatid na malaya nang magkaroon ng kani-kanilang kasintahan, kaya’t tila hindi patas na ako ay lubog sa trabaho, halos magkasakit sa sobrang pagod.

Hindi madali ang maging isang bagong doktor—mabigat ang mga duty at walang katapusang mga gawain. Sa isang pribadong ospital, napakahigpit ng trabaho at kinakailangang sundin ang lahat ng pamantayan at regulasyon sa loob ng hospital system. Lahat ay dapat maisagawa agad at tama, lalo na sa mga sitwasyong emergency.

Sa isang gabi, may isang pasyente na pumanaw dahil sa kakulangan ng doktor. Hindi maiiwasan sa isang pribadong ospital na may kaugnayan din sa aspetong pinansyal ang pagpapatakbo nito.

Ang pangyayaring iyon ay isang emergency accident. Sa panahong iyon, ako ay naka-leave. Gayunpaman, nadamay pa rin kami sa kaso at sa huli ay natalo ang ospital, kung saan may mga ipinataw na danyos. Plano pa sana ng ospital na mag-apela.

Doon ko napagtanto ang halaga ng pag-aaral ng abogasya—na mahalagang maunawaan ang batas, karapatan, at pananagutan sa ganitong uri ng sitwasyon.

Umuwi ako sa Bukidnon noong pista, at doon ay may ipinakilala sa akin ang aking mga pinsan—isang pulis na bagong pasok sa gobyerno. Gwapo siya, matangkad, at may malaking pangangatawan. Nag-usap kami at nagbahagi ng aming mga pananaw—kung paano ba ang galaw kapag papasok sa isang relasyon o kung mananatili na lamang na magkaibigan.

Noon, uso pa lamang ang Friendster, at doon kami nagkaka-chat at nagkakatawagan. Paminsan-minsan, sa Yahoo naman kami nagvi-video call. Sa unang buwan, hindi ko alam kung kami na ba o kung ano nga ba ang estado namin—ika nga, “no label.” Ngunit ang pag-uusap at pagtawag ay hindi nawawala, kahit pareho kaming abala sa aming mga duty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *